Madamdaming binati ng aktres na si Susan Africa ang yumao nitong asawa para sa sana'y ika-80 kaarawan ng Filipino theater, film at television actor na si Spanky Manikan.

"Happy 5th birthday in heaven, my beloved Pangga. You would have been 80 years old today in this earthly life. You are forever loved, and dearly missed. Please remember him in your prayers today," iniwang mensahe ng aktres sa kanyang Instagram post, Marso 22.

Larawan: Screenshot mula sa IG post ni Susan Africa

Inilagay rin ni Africa ang linya ni Manikan nang i-post nito ang larawan na para sa kaarawan nito. "Not where I breathe, but where I love, I dwell."

Samantala, bukod sa mensahe para kay Manikan, hayagan rin nitong ibinahagi sa publiko ang naging sentimento ng kanyang asawa nang magkita ito at si Bise Presidente Leni Robredo.

Aniya, nang magkita sina Manikan at Robredo, sinabi nitong si Robredo ang huling pag-asa para sa bansang Pilipinas.

Dagdag pa ni Africa, kung nabubuhay pa ang kanyang asawa ay tiyak na aktibo itong susuportahan si Robredo lalo na ngayong tumatakbo ito sa pagka-pangulo.

"When Spanky met VP Leni in 2016, he said "You are the last hope for this country." If he were still around, I am sure he would be actively supporting her. Happy birthday, Pangga!" ani Africa.

Larawan: Screenshot mula sa IG post ni Susan Africa

Naging maboka si Africa sa pagsuporta nito kay Robredo. Aniya, handang maglikod ang bise presidente para sa lahat.

"Iboboto ko si Leni Robredo dahil sa Gobyernong tapat, may malasakit, talino, tapang, pagmamahal, at handang maglingkod sa lahat," ani Africa.

Matatandaang taong 2018 nang namatay si Manikan sa edad na 75 dahil sa stage four lung cancer.

Kilala naman si Manikan sa kanyang mga papel sa mga pelikulang "Maynila sa Kuko Ng Liwanag," "Bona," "Broken Marriage," at "Himala," kung saan siya ay tinanghal na best supporting actor sa 1981 Metro Manila Film Festival.