Pinayagan na ng Commission on Elections (Comelec) ang tanggapan ni Vice President Leni Robredo upang ipagpatuloy ang mga programa kontra Covid-19 kahit panahon na ng kampanya para sa May 9 National and local elections.

Ayon kay Comelec Commissioner George Erwin Garcia, binibigyan ng exemption ng Comelec en banc ang ilang pandemic projects ng Office of the Vice President (OVP) sa campaign period.

“In an executive sessiontoday (Miyerkules), the En Banc granted the Petition for Exceptionof the Office of the Vice President of certain projects and programsduring the 45-day period of the campaign,” ani Garcia.

Aniya, may ilang petitions for exception din ang hindi pinagbigyan habang ang iba ay partially granted lamang.

National

VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’

Matatandaang una nang itinigil ng OVP ang kanilang mga programa kabilang ang mobile coronavirus testing, vaccination drive, at libreng online medical consultation nang umarangkada ang campaign period para sa national candidates noong Pebrero 8.

Gayunman, naghain si Robredo ng petisyon sa Comelec upang mapahintulutan silang ipagpatuloy ang mga naturang programa ngayong nananatili pa rin ang pandemya ng COVID-19 sa bansa.