Sa kabila ng mababang kaso ng Covid-19 sa bansa, sinabi ni Pangulong Duterte na mananatiling umiiral na mandato ang pagsusuot ng face mask upang masigurong napipigilan ang pagkalat ng virus, lalo na kasunod ng pagkatuklas ng bagong strain sa Israel.

“The numbers are now very low compared to the population… But you know itong mask na ano maraming nagtatanong, alam mo I am not ready to order the removal of the mask,” ani Duterte sa “Talk To The People” address na umere nitong Martes, Marso 23.

“Pero siguro ‘yung plastic na ano cover puwede na ‘yun pero as I said, it has done a lot of good that prevented the contamination from spreading,” dagdag niya.

Sinabi ni Duterte na ang patuloy na pandemya ay maaaring manatili nang matagal habang ang mga bagong variant ng Covid-19 ay nakita sa ibang mga bansa at maaaring makarating sa Pilipinas.ais

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“So matagal pa ito. And there are reports that I don’t know if it’s — subject to confirmation — that there is a new COVID [variant] found in Israel. So whether we like it or not, kung totoo ‘yan, it will reach again the shores of our country,” dagdag ng Pangulo.

Hiniling din ng Pangulo sa Kongreso na panatilihin ang hindi nagamit na pondo sa ilalim ng Bayanihan Law kung sakaling magdesisyon ito sa bagong batas. Ang pera, aniya, ay ibinalik sa National Treasury.

“Huwag galawin ‘yan kasi that is in preparation for another surge of another variant. Nagmu-mutate itong monster na ito and hindi natin malaman kung ano talaga ang katapusan into. But I guess it would be there or here for the longest time,” sabi ni Duterte.

Sa parehong pampublikong talumpati, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nakapagtala ang bansa ng 3,431 bagong kaso ng COVID-19, o 490 bagong impeksyon sa isang araw mula Marso 15 hanggang 21—mas mababa sa 3,951 bagong kaso na naitala mula Marso 8 hanggang 14.

Iniulat din ni Duque na bumababa ang mga impeksyon sa National Capital Region (NCR) na may kamakailang daily average na 158 o limang porsiyentong mas mababa kaysa sa 166 na kaso kada araw na naitala mula Marso 8 hanggang 14.

Bukod sa striktong pagsunod sa minimum public health standards, sinabi ng DOH chief na ang malawak na saklaw ng pagbabakuna sa bansa ay isa pang salik na nagtutulak sa pagbaba ng bilang ng mga impeksyon.

Noong Marso 2022, 72 porsiyento ng target na populasyon ang ganap na nabakunahan, na katumbas ng 65 milyong Pilipino na nakakakuha ng buong dosis ng jab.

Alexandria Denisse San Juan