Matapos ang pagsama sa campaign rallies ng Leni-Kiko tandem, balik-taping na ulit si Megastar Sharon Cuneta para sa teleseryeng 'FPJ's Ang Probinsyano', na aniya ay itinuturing niyang 'comfort zone next to home'.

Makikita sa kaniyang latest Instagram post nitong Marso 21, 2022 ang litrato nila ng ilan sa mga bigating cast members, gaya nina Lorna Tolentino, John Estrada, Angel Aquino, Shaina Magdayao, Raymart Santiago, at ang bida at direktor na si Coco Martin, na kamakailan lamang ay nagbigay ng birthday surprise sa kaniyang 'rumored girlfriend' na si Julia Montes, na bahagi rin ng cast.

"My comfort zone next to home with my husband and children…This is my world…This is my family at work…I do not want to be anywhere else but with my #fpjsangprobinsyano family (aside from my own)," saad ni Shawie sa caption.

Bukod daw sa kaniyang sariling pamilya, kapag nasa set daw siya ng teleserye, masaya raw siya at pakiramdam niya ay ligtas at minamahal siya ng mga tao.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Here, with them, I am happy. I am safe. I am loved."

Lorna Tolentino, John Estrada, Angel Aquino, Shaina Magdayao, Coco Martin, Raymart Santiago, at Sharon Cuneta (Larawan mula sa IG)

Nirepost din siya ang IG post ni John Estrada.

"Just another day in the office. Magandang umaga sa inyo mga magagandang kong kaibigan," aniya.

Sa isa pang IG post, makikitang tila abala ang Megastar kaharap ang laptop, habang nakaupo sa isang bonggang kama.

"In my rest area near the set. #fpjsangprobinsyano," saad sa caption.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan si Mega dahil sa pagkadismaya niya nang kantahin ni senatorial aspirant Salvador 'Sal' Panelo ang kaniyang iconic song na 'Sana'y Wala Nang Wakas' sa isang event.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/

Punto ni Mega, mas nais niyang marinig at gamitin ito ng Leni-Kiko tandem.

Humingi naman ng dispensa si Panelo at ipinaliwanag na kahit wala pang eleksyon, talagang kinakanta na niya ang mga signature songs ni Mega; naaalala niya ang yumaong anak na may Down Syndrome, at isang certified Sharonian ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/12/ikaw-ni-mega-kinanta-rin-ni-panelo-sa-burol-ng-anak-noong-2017-sharonian-kasi-ako/

Matapos nito, inalis at binura ni Shawie ang lahat ng mga social media posts niya laban sa insidente.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/13/sharon-kumambyo-binura-ang-ig-post-laban-kay-sal-panelo/

Ginagampanan ni Sharon ang karakter na 'Aurora' sa teleserye, na siyang tunay na ina ni Mara, na ginagampanan naman ni Julia Montes, na anak naman niya sa dating nakarelasyong si 'Oscar Hidalgo' na ginagampanan ni Rowell Santiago, ang presidente ng Pilipinas sa kuwento.

Samantala, wala pa siyang rekasyon o komento tungkol sa mga kumakalat na isyung aatras na raw sa kandidatura ang katunggali ng kaniyang mister at asawa ng tiyahing si Helen Gamboa, na si Senate President Tito Sotto, para daw suportahan ang BBM-Sara tandem.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/23/sen-pres-tito-sotto-at-sen-imee-iniintriga-kung-bakit-magkasama-sa-litrato-may-pinag-usapan-daw/