Iniulat ng isang opisyal ng Department of Education (DepEd) nitong Miyerkules na mahigit na sa 10,000 paaralan ang pinahintulutang makabalik para sa idadaos na limitadong face-to-face classes.
Paglilinaw ni DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma na base sa kanilang datos, nasa 10,196 na kabuuang bilang ng naturang paaralan, kabilang ang 9,994 pampublikong paaralan at 212 pribadong paaralan.
“A total of 9,994 public schools and 212 private schools are already in the participating level. Ang ibig sabihin ng participating, ito ‘yung nominated schools that are now under Alert Levels 1 and 2. Ito po ‘yung pwede na magbukas,” paliwanag pa ni Garma, sa isang pulong balitaan.
“In fact marami po dyan ay nakapagbukas na or nakapagsimula na ng kanilang limited face-to-face classes. So the total of these participating schools is 10,196 schools,” dagdag pa niya.
Sa kabuuang 14,396 public at private schools na may 2.6 milyong mag-aaral ang nai-nominate na ng kanilang DepEd regional offices para magpatuloy ng limited in-person classes.
Ipinaliwanag niya na ang mga nominated schools aynakapasa na sa School Safety Assessment Tool (SSAT) laban sa COVID-19.