Kumpirmadong ikinasal na nga ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales sa kaniyang fiance na si Mateo Rafael Lorenzo ngayong Miyerkules, Marso 23, 2022, sa isang simpleng church ceremony sa St. James the Great Parish na matatagpuan sa Alabang, Muntinlupa City.

Mismong kaanak ni Mateo na si Andres de Leon Lorenzo ang nag-post ng black and white na litrato ng dalawa sa Instagram Story niya, subalit ilang minuto lamang ay binura din ito, subalit marami sa mga netizen ang nakapag-screengrab nito.

May be an image of 1 person, flower, indoor and text that says 'andresdeleonlorenzo 23m'
Screengrab mula sa IG/Andres De Leon Lorenzo

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Noong Pebrero 19, 2022 ay napabalita ang paglitaw ng kanilang marriage banns o public announcement ng isang simbahan tuwing nalalapit na ang kasal ng dalawang tao. Nakalagay rito na Marso 23, 2022 ang desired date ng kanilang kasal. Batay rin dito, mas matanda ng 2 taon si Erich (31 anyos) kaysa kay Mateo (29 anyos).

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/19/erich-gonzales-ikakasal-na-sa-kanyang-non-showbiz-boyfriend/

Screengrab mula sa Balita Online

Lowkey ang relasyon nina Erich at Mateo. Minsan na ring nag-post sa social media ang 31-anyos na aktres ng kanilang larawan sa social media pero agad din niyang binura ito.

Noong 2017, ibinunyag ni Queen of All Media Kris Aquino, na malapit kay Erich, na isang mystery guy ang bumisita umano sa aktres noong nagsho-shooting ito ng pelikulang 'Siargao' at may chikang naka-private plane pa umano ito.

Marso 2018 nang ibunyag ni Erich ang tungkol sa mystery guy na ito, at inamin niyang nagde-date na nga sila. Bandang Hulyo naman ng kumpirmahin niya ang relasyon nila.

Noong 2019, sa isang 'Q&A' portion sa isang vlog ay sinagot ni Erich ang tanong sa kaniya ng isang netizen kung bakit napakatahimik niya pagdating sa mga detalye ng buhay-pag-ibig niya.

"I think it's for the best," aniya.

"I want to protect something so precious to me, something beautiful. I don't want to ruin it so sa akin na lang iyon."

Sa 30th birthday naman ni Erich noong Setyembre 2020, medyo binuksan ng aktres ang detalye tungkol sa jowa nang isama niya ito sa kaniyang vlog, subalit hindi naman niya ipinakita ang mukha nito. Nahagip lamang sa camera na may kasama siyang lalaki na nagmamaneho ng kotseng sinakyan nila.

Kumain sila sa isang restaurant, at may sundot ng pasasalamat si Erich sa lalaking ito.

Sa hiwalay na eksena sa parehong vlog, binuksan niya ang regalo sa kaniya ng lalaki, at dito niya nabanggit ang pangalang 'Mateo Lorenzo'. Isang espresso machine ang regalo nito sa kaniya.

Matapos nga ang pagsulpot ng marriage banns ni Erich at Mateo kamakailan, ilang nakakalokang chika ang ibinahagi ng showbiz columnist na si Cristy Fermin na nasagap umano niya sa kay Manay Lolit Solis.

Dahil galing umano sa mayamang angkan ang jowa, pina-background check umano ng pamilya ni Mateo ang nobyang si Erich. Kalaunan ay naging boto naman daw ang pamilya nito sa aktres.

Chika pa ni Cristy, nasagap umano niya mula sa kaibigang nagtatrabaho sa isang paliparan, na maka-ilang beses din umanong sinundo si Erich ng jowa gamit ang isang Bentley car, isang uri ng mamahaling sasakyan.

Ilang netizen lang naman ang nag-ugnay kay Mateo sa isang mayamang angkan ng mga Lorenzo sa Davao na may-ari umano ng mga kilalang brands na Pancake House, Del Monte Philippines, bukod sa iba pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/23/erich-gonzales-pina-background-check-ng-bilyonaryong-pamilya-ng-fiance-sey-ni-cristy/

Batay sa profile ni Mateo, sinasabing siya ay isang negosyante, at anak ng isang business tycoon na si Martin Ignacio Lorenzo, chairman at Chief Executive Officer o CE ng mga kompanyang First Lucky Agro-Industrial Corp., Macondray Philippines Co., Inc., First Lucky Holdings Corp., CAT Resource & Asset Holdings Inc., RestaurantConcepts Group Inc., at iba pa.

Ang amang Lorenzo rin ay siyang may-ari ng restobar na Barcino at donuts brand na GoNuts. Siya rin ang chairman at COO ng Central Azucarera de Tarlac. Siya rin umano ang chairman at president ng Teriyaki Boy Group Inc. at Dencio's Food Specialists Inc.

Si Mateo ay isa lamang sa 12 anak nina Martin at misis nitong si Leah De Leon Lorenzo. Nabanggit ni Mateo sa kaniyang Instagram account na mahilig siya sa mga agrikultura, mamahaling kotse, at show jumping.

Ngunit hindi lamang si Erich ang celebrity sa buhay ng mga Lorenzo. Ang kapatid ni Mateo na si Basti Lorenzo ay jowa ni Claudia Barretto, isa sa mga anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla, na kapatid naman ng aktres na si Julia Barretto, ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, at batay na rin sa panayam ni King of Talk Boy Abunda, sa 'Tonight With Boy Abunda' o TWBA ng ABS-CBN noong 2017.

Habang isinusulat ito, wala pang update si Erich sa kaniyang social media accounts tungkol sa naganap na kasal nila ni Mateo.