Trending sa Twitter si ABS-CBN news anchor Karen Davila nitong Marso 22, 2022 dahil namataan siyang kasama sa caravan ni presidential aspirant Bongbong Marcos, nang mangampanya ang UniTeam sa Cavite, sa pag-asiste ni Governor Jonvic Remulla.

Marami sa mga netizen ang nang-intriga kay Karen kung bakit kasama ito sa caravan. Agad namang nagpaliwanag ang news anchor sa pamamagitan ng tweet.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/22/karen-davila-trending-naispatan-sa-uniteam-caravan-sa-cavite-tanong-ng-mga-netizen-bakit/

"ABS-CBN’s Kampanya Serye On The Road & Presidential Intvws shoots today. I have been assigned to trail Presidential Aspirants Bongbong Marcos & Sen Manny Pacquiao," aniya.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Image
Kren Davila, Jonvic Remulla, at Bongbong Marcos (Larawan mula sa Twitter)

"Henry Omaga Diaz is covering VP Leni Robredo & my co-anchors have been assigned to other candidates. #Halalan2022."

Isa sa mga nagtanggol sa kaniya ang Pinoy Big Brother (PBB) TV host na si Bianca Gonzalez sa pamamagitan ng tweet. Idinetalye ni Bianca kung sino sa mga presidential candidate ang nakatalaga sa mga ABS-CBN news anchor.

"Babala sa maaaring magkalat ng fake news na may ineendorso ang ABS-CBN journalists. Sila po ay assigned para sa #Halalan2022 coverage: VP Leni - Henry Omaga Diaz, BBM - Karen Davila, Pacquiao - Karen Davila, Lacson - Bernadette Sembrano, Isko - Alvin Elchico, Ka Leody - Zen Hernandez," saad ni Bianca.

Screengrab mula sa Twitter/Bianca Gonzalez via Karen Davila

Nagpasalamat naman si Karen kay Bianca.

"Wow thanks B! To those asking why am I covering 2 candidates? Because we weren’t sure BBM would agree to our request for an interview. I shot Sen Manny ahead too," ani Karen.

Screengrab mula sa Twitter/Karen Davila

Sinagot din niya ang tanong ng isang netizen na nag-aakusang may 'bigayan ng pera' sa mga dumalo sa sortie ng UniTeam, na naganap umano sa mismong entablado kung saan nagaganap ang programa.

"So Mam, nasaksihan n'yo po ba ang lantarang bigayan ng pera in the THOUSANDS of PESOS for supporters on stage sa Morning Sortie nila?" tanong ng netizen.

Screengrab mula sa Twitter

Sagot ni Karen, "No I personally did not see that. I arrived with BBM’s party. To be factual, BBM was not there when cash prizes were being handed out.Our reporter, @joycebalancio interviewed Remulla about this. Check her feed pls."

Screengrab mula sa Twitter/Karen Davila

Sa isa pang hiwalay na tweet, ipinakita ni Karen kung paano siya nag-cover ng balita. Makikitang nakatuntong pa siya sa bubong ng firetruck habang kinukunan ng kasamang cameraman.

"A day in the life. Spiels on top of a firetruck to get a wider shot of the BBM-Sara Grand Rally at the Gen Trias Stadium Cavite. #KampanyaSerye2022," aniya.

Screengrab mula sa Twitter/Karen Davila