Sinibak sa puwesto ang tatlong pulis-Laguna kaugnay ng pagkakasangkot sa umano'y pagdukot sa mga online sabungeros kamakailan.
Tinanggal din sa puwesto bilang hepe ng Laguna Provincial Office si col. Rogarth Campo.Paglilinaw ng Philippine National Police (PNP) SpokespersonCol. Jean Fajardo, ang pagkakasibak kay Campo ay bahagi ng protocol upang magkaroon ng patas na imbestigasyon, lalo pa't sinasabi ni online sabong operator Atong Ang na tumanggap umano ito sa kanya ng P1 milyon.
Paliwanag naman ni Campo nang humarap sa Senate investigation, ang nasabing pera ay ginamit sa pagpapagawa at renovation projects sa loob ngheadquarters ng Laguna Provincial Police Office.
“His administrative relief was to give way to the ongoing investigation in order to do away with insinuations that he could influence the outcome of the investigation,” paglilinaw ni Fajardo nang dumalo sa isang pulong balitaan sa Camp Crame sa Quezon City.
Ang dalawa sa tatlong pulis na sinibak sa puwesto ay nakilalang sinaPatrolman Roy Navarete at Police Staff Sergeant Daryl Paghangaan. Nasa restrictive custody na ng PNP sina Navarete at Paghangaan.
Sina Navarete at Paghangaan ay itinuturo ng mga pamilya ng dalawa sa nawawalang sabungero na dumukot sa mga ito sa kani-kanilang bahay kamakailan.
Inalis din sa posisyon si Police Master Sgt. Michael Claveria matapos lumitaw ang pangalan nito sa imbestigasyon.
Matatandaang naiulat na nawawala ang 34 na sabungero sa Maynila, Laguna, Rizal at Batangas mula pa noong 2021.
Aaron Recuenco