CAGAYAN - Tinatayang aabot sa₱30 milyong halaga ng pinaghihinalaang cocaine ang natagpuan sa karagatan na pagitan ng Ballesteros at Abulug ng lalawigan kamakailan.
Sa paunang report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 2, nadiskubre ng dalawang mangingisdang taga-Aparri ang palutang-lutang na tatlong bricks ng iligal na droga sa lugar nitong Lunes ng umaga.
Kinabukasan, agad na nagsagawa ng follow-up retrieval operation ang mga awtoridad na nakarekober pa ng dalawa pang bricks ngcocaine sa karagatang bahagi ng Barangay Fuga sa Aparri
Binanggit ng PDEA-2, ang mga natagpuang iligal na droga ay nakabalot ng transparent at brown tape na may logo na "Columbian Foot Team."
Tiniyak naman ni PDEA-2 director Joel Plaza na patuloy pa rin ang kanilangoperasyon sa pag-asang makarekober pa ng karagdagang iligal na gamot sa karagatan ng Cagayan.
Kaugnay nito, nag-aloknaman si Cagayan Governor Manuel Mamba ng₱200,000 sa sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyong may kinalaman sa nadiskubreng cocaine sa lugar.
Tiniyak din nito na makikinabang din sa pabuya ang dalawang mangingisda na nakarekober sa naturang iligal na droga.