Handang makipagtulungan si Vice President Leni Robredo kay Davao City Mayor Sara Duterte sakaling maging magtagumpay ang kilusang Robredo-Sara (RoSa) sa pagpapanalong dalawang opisyal na kakabaihan bilang Presidente at Bise Presidente sa Mayo 2022.

Ayon sa spokesman ni Robredo na si Barry Gutierrez sa "The Source" ng CNN na bagama't mas gusto ng Bise Presidente ang kanyang running mate na si Senador Kiko Pangilinan ang manalo, pero batid niya na nais ng mga botante ang "different configurations" sa araw ng eleksyon at bumotong ibang vice presidential candidate.

“The Vice President has also been very clear. Regardless of who is elected and, of course, right now, we are doing everything in our power to ensure that that will be Sen. Kiko Pangilinan who will take his oath as vice president come June 30 of this year,” saad ni Gutierrez.

“But regardless of who gets elected, she will be willing to work with the person who the people choose as the vice president,” dagdag pa niya.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nitong nakaraan ay usap-usapan ang tungkol sa tambalang Robredo-Sara o RoSa.

Ang RoSa movement ay opisyal na inilunsad ng mga Representative na sina Jose Maria Salceda at Rufus Rodriguez at Zamboanga City Mayor Isabelle Climaco.

Sinabi ni Gutierrez na ipinaalam sa kanila ang public announcement bago ito ginawa ngunit ito ay isang FYI (for your information) lamang.