May cryptic tweet nitong Marso 22, 2022 ang GMA news anchor na si Raffy Tima tungkol sa isang kandidato na nagpapakalat ng maling impormasyon, 'manufactured data', at 'twisted facts' tungkol sa kaniyang kalaban.

Ayon sa tweet ni Tima, "Been receiving press releases favoring a certain candidate and attacking his opponents. But the content are all obvious disinformation, manufactured data and twisted facts."

Screengrab mula sa Twitter/Raffy Tima

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Tila nagbigay rin siya ng paalala sa mga kapwa mamamahayag na ang tanging tanggapin ay mga lehitimong press releases at hindi mga 'basurang' impormasyon.

"As journalists, we freely give our emails for legitimate press releases, not garbage disinformation."

Umani naman ito ng iba't ibang komento at reaksyon mula sa mga netizen. Hinamon nila si Tima na pangalan ang naturang kandidato. May mga pumuri din kay Tima dahil sa paninindigan nito sa patas at tamang pamamahayag.

"Naming them will be better at kung anong disinformation ang pinapakalat nila para matuto at makasuhan na rin. Kahit kaninong kampo pa 'yan."

"Thank you Raffy for standing up to principles of Journalism! Salute!"

"Thank you for standing up for what is right and calling out unprincipled journalism sir!"

"Thank you for adhering to the standards of true & relevant journalism."

"Alam naman ng mga tao kung ano ang tama at mali. Kung sino ang dapat at hindi. Deep down alam nila. Pero pilit nagpapaloko dahil sa pang sariling interest or kakulangan sa pag-unawa."

Samantala, hindi naman pinangalanan ni Tima kung sino ang tinutukoy niyang kandidato, at kung ito ba ay national o local level.