Tinalakay ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa ilalim ni Negros Occidental Rep. Juliet Marie De Leon Ferrer nitong Lunes ang mga preparasyon ng Commission on Elections (COMELEC) para sa lokal at pambansang halalan sa Mayo 9, 2022.

Sa pagdinig, pinag-usapan ang mga isyu sa ballot printing at ang umano'y hacking ng Smartmatic system.

Binusisi ni Committee Vice-Chairperson at Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. ang ballot printing process at ang 'di pagsipot ng mga kinatawan nito sa isinagawang printing process.

“Ang problema lamang, nakita niyo ang mga balota na mali, hindi niyo in-inform ang mga political parties, including the public. Pangalawa, noong ni-reprint ninyo, hindi niyo rin in-inform ang mga observers. And that is the reason why everybody is doubting whether or not these ballots printed or reprinted are actually accurate or not. At palagi naman natin sinasabi ang kahalagahan ng halalan,” ayon kay Barzaga.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nilinaw naman ni Comelec Commissioner George Garcia na hindi lahat ng naiulat na 5,992,763 printed ballots ay depektibo.

Aniya, sa kasalukuyan ay natukoy na ng Comelec ang depektibong 105,853 balota. “Iba po talaga ‘yong height, iba po ‘yong size. Iyong color po talaga medyo hindi po nagtutugma doon sa color as required by our guideline specifications. Pagkatapos po may mga nudge, may mga smudge po sa balota,” ani Garcia.

Inimbitahan niya ang mga kasapi ng komite na obserbahan ang random sampling ng mga balota na iniimprenta nang walang watchers.

Tinalakay rin ng komite ang isyu hinggil sa umano'y "breach and compromise of the Smartmatic system."

Ipinaliwanag ni Smartmatic Legal Counsel Christopher Louie Ocampo na ang Automated Election System (AES) source code at ang software, ay isinailalim sa ekstensibong pagsusuri.

Ayon kay Ocampo, ang serversat infrastructureng Comelec ay independent at kailanman ay hindi ibinabahagi ng Comelec ang electoral data sa Smartmatic.

"He downloaded non-sensitive, day-to-day operational materials from a repository readily available to all Smartmatic staff," ayon sa pahayag na ang tinutukoy sa isang empleyado na nakakuha umano ng datos.