Ibinahagi ni Ana Jalandoni sa kaniyang Instagram stories ang litrato ng pulumpon ng mga bulaklak na ipinadala sa kaniya ng talent manager ng nobyong si Kit Thompson, na nambugbog umano sa kaniya habang sila ay naka-check in sa isang hotel sa Emilio Aguinaldo Highway, Silang Junction South, Tagaytay City.

Ang talent manager ni Kit, na siyang may-ari ng Cornerstone Entertainment, Inc. ay si Erickson Raymundo. Bukod sa mga pa-bulaklak ay may kalakip din itong mensahe.

“Dear Ana…"

“Please know that you are in our prayers and we fervently hope for your speedy recovery.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“See you when you feel better and let us know if you need anything from us. God bless.

“Love, Erickson Raymundo and your Cornerstone Family," saad sa sulat.

Matapos ang paghingi ng rescue ni Ana sa mga awtoridad, agad na dinampot ng pulisya ang aktor sa reklamong pananakit at pananakot sa kaniyang nobya, at nadetina sa Tagaytay Component City Police Station. Isinugod naman sa Tagaytay Medical Center si Ana.

Naglabas naman ng opisyal na pahayag ang Cornerstone Entertainment, Inc. tungkol dito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/19/talent-management-ni-kit-thompson-naglabas-ng-panibagong-opisyal-na-pahayag/">https://balita.net.ph/2022/03/19/talent-management-ni-kit-thompson-naglabas-ng-panibagong-opisyal-na-pahayag/

"The Cornerstone Management does not condone any act of violence and profoundly value the dignity of women," panimulang pangungusap ng pahayag.

"We take this opportunity to clarify that our earlier statement was issued with no knowledge of any specific details as we were in receipt only of general allegations. Neither were we privy to any photos of the incident."

"In this delicate situation, we subscribe to the sound discretion of law enforcement and allow the wheels of justice to take its course."

Nitong Marso 21 ng hapon, pansamantalang nakalaya umano si Kit dahil sa piyansa, sa halagang ₱72K. Ang nanay, kasama ang dalawang abogado, ang umasikaso umano sa piyansa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/22/kit-thompson-pansamantalang-nakalaya-dahil-sa-piyansang-72k/

Samantala, wala pang pahayag ang magkabilang kampo sa mga susunod nilang hakbang. Wala namang reaksyon si Ana sa ipinadalang bulaklak at sulat ng talent manager ni Kit.