Nanawagan ang isa sa mga mang-aawit na miyembro ng APO Hiking Society na si Jim Paredes na huwag suportahan ang nilulutong 'ROSA' o Robredo-Sara, o ang pagtatambal kina presidential candidate at Vice President Leni Robredo at vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Paredes na isang certified Kakampink, si vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan ang dapat na suportahan bilang running mate ni VP Leni.

Porke't lyamado raw si VP Leni ngayon ay saka umano inilulusot si Mayor Inday Sara.

"IKALAT SA LAHAT."

Alindog ni Kim Chiu, ibinalandra na sa kalendaryo ng mga tomador

"BUSTED SI ROSA."

"HUWAG BILHIN ANG DISKARTENG ROSA (ROBREDO-SARA). NGAYONG LYAMADO SI LENI, SASAKAY NA SA PINK—PERO ILULUSOT SI SARA. PASIMUNO NG ILANG MGA LGU NA NUKNUKAN NG TRAPO. LeniKiko2022 TAYO."

"Wala ng iba," ayon sa tweet ni Paredes nitong Marso 21, 2022 ng hapon.

Screengrab mula sa Twitter/Jim Paredes

Isang netizen naman ang nagbahagi ng litrato na nagpapakita ng ROSA tandem, mula raw sa Cagayan De Oro.

Image
Larawan mula sa Twitter/@brenster_23

Hindi ito ang unang beses na ipinareha sa ibang kandidato si Inday Sara. Matatandaang nabuo naman ang 'ISSA' o tandem nila ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso.

Subalit ayon kay Mayor Inday, mananatili ang kaniyang loyalty sa kaniyang running mate na si presidential candidate Bongbong Marcos, Jr. o BBM.