Marami ang naantig sa panayam ni Ogie Diaz sa komedyanteng si 'Dagul' o Romeo Pastrana sa tunay na buhay, na nakilala sa defunct comedy gag show na 'Kool Ka Lang' sa GMA Network at defunct kiddie gag show na 'Goin' Bulilit' sa ABS-CBN naman.

Napag-alaman ni Ogie na suma-sideline na lamang ngayon si Dagul sa barangay hall at may maliit na tindahan ang kanilang pamilya na pinagkukuhanan nila ngayon ng kabuhayan. Hindi na kasi aktibo ngayon sa showbiz si Dagul simula nang mawala ang GB, noong kasagsagan ng pagsisimula ng pandemya at isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.

Aminado ang komedyante na talagang mahirap ngayon ang buhay para sa kaniya. Iba pa rin daw ang kitang natatanggap niya mula sa showbiz. Hindi naman daw malaki ang kinikita niya bilang rakitero sa barangay. Honoraria lamang daw ang iniaabot, sa kagaya niyang pinuno ng command center.

Dahil pala sa kaniyang kalagayan ay nahihirapan na siyang tumayo at maglakad kaya naka-wheelchair na lamang siya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Kapag tumayo ako hindi ako tumatagal, hindi ako makakalakad, nakaupo lang. Binubuhat ako ng anak ko para pumasok sa opisina namin.”

“Kapag wala akong trabaho sa Sabado, Linggo, dito ako sa bahay. May maliit kami na tindahan ako ‘yung nagbabantay kasi nga si misis busy sa trabaho dito sa bahay kaya ako muna ang nagbabantay sa tindahan namin.”

Napapaisip daw si Dagul kung bakit nangyayari sa kaniya ang mga pinagdaraanan ngayon.

“’Yung nasa isip ko, bakit ganoon yung nangyari sa akin? Hindi ko na kayang maglakad mahina na ang tuhod ko. Samantalang dati ang liksi ko. Anong nangyari? Nalungkot lang ako sa ano, tulad ngayon mga pangangailangan ng anak ko sa bahay namin. Kung paano ko ma-provide ‘yung ano namin. Kaya sabi ko sige okay lang laban pa rin. Basta kumikilos ka lang. Huwag ka lang tamad. Talagang hindi ko na kaya magpa-aral. Naaawa ako sa anak ko. Nakakalungkot, hindi ko na kaya."

"Kaya sabi ko bahala na kung anong mangyari basta ang ano ko lang huwag lang tamad-tamad kasi kapag tamad ka, talagang walang mangyayari sa buhay mo,” sey pa ng komedyante.

Naubos na rin daw ang ipon ni Dagul noong nasa showbiz pa siya, pero ang isang bagay na hindi niya pagsisisihan ay ang nakapagpundar siya ng bahay.

Mawala man daw siya sa showbiz, hindi na niya iisipin kung saan tutuloy ang kaniyang pamilya. Masaya rin daw siya dahil kahit maituturing na 'hindi siya normal' ay napalaki naman niya nang maayos ang mga anak niya.