Nagpasalamat ang National Campaign Manager ni BBM na si Benhur Abalos, Jr. sa pagsuporta ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan o PDP-Laban, sa ilalim ni Energy Secretary Alfonso Cusi-faction, sa kandidatura ni Bongbong Marcos.

“We are truly grateful and humbled by PDP-Laban's endorsement of presidential frontrunner Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.," ani Abalos.

Ang pagsuporta umano ng PDP-Laban ay nagpapatibay sa panawagan ng "pagkakaisa."

"The support for the BBM-Sara Uniteam solidifies the union of the country's major political parties and further bolsters our call for national unity. Rest assured that we will carry on with our shared thrust for "Unity for Sustainability" of socio-economic development and national progress," ayon pa kay Abalos.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Bukod dito, nagpapasalamat si Abalos sa walang sawang suporta ng mga Pilipino sa UniTeam.

"We thank the Filipino people for their unwavering support and call on them to remain steadfast in this fight. We should work even harder together to ensure that our voices are heard come election day."

Ngayong Martes, Marso 2022, pormal nang inendorso si Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan o PDP-Laban sa ilalim ng Energy Secretary Alfonso Cusi-faction — na siya namang suportado ni Pang. Rodrigo Duterte.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/22/bbm-nakuha-ang-pulso-ng-pdp-laban-suportado-ng-cusi-faction/