Isang araw matapos ang kanilang pagdalo at pagsuporta sa Pasig sortie ng Leni-Kiko tandem, nagbigay ng mensahe ang 'Ben&Ben' sa lahat ng mga Kakampinks, tawag sa mga tagasuporta nina presidential candidate at Vice President Leni Robredo at vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan, na naganap noong Marso 20, 2022.

"It’s such an honor to be of service to a leadership that inspires service," anila sa kanilang tweet nitong Marso 21, 2022.

"To all who went to #PasigLaban, this movement is bigger than any of us. May we continue to believe that there is hope for our nation and may we continue to be beacons of hope & light to our countrymen," dagdag pa nila.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Screengrab mula sa Twitter/

Noong Marso 14, hayagan nang nagpahayag ng suporta ang banda sa isang Facebook post gamit ang emoji ng rosas, isang simbolo ng kampanya ni Robredo sa kilalang 'Kulay Rosas ang Bukas' na slogan ng kaisa-isang babaeng kandidato sa pagkapangulo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/pipiliin-ka-araw-araw-sikat-na-bandang-benben-certified-kakampink/

Isang youth group naman mula Pasig ang nag-request ng kanilang attendance sa Pasig sortie ng Leni-Kiko grand campaign rally na tinugunan ng Ben&Ben ng ‘g’.

At noong Marso 20, isa nga sila sa mga bandang nagtanghal para sa mga dumalo.

Paglilinaw ng banda, "The band will not be paid for its support."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/18/benben-kumpirmadong-tutugtog-sa-campaign-rally-ng-leni-kiko-tandem-sa-pasig/

Nadagdag ang banda sa ilan pang mga musikerong sumusuporta sa kandidatura ng Leni-Kiko tandem. Nauna nang nagpakita ng suporta sa tandem ang Rivermaya, Mayonnaise at ang front man ng Eraserheads na si Ely Buendia.