Pormal nang inendorso si Presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan o PDP-Laban sa ilalim ng Energy Secretary Alfonso Cusi-faction — na siya namang suportado ni Pang. Rodrigo Duterte.

Saad sa Resolution No. 26, Series of 2022 ng National Executive Committee nito, na inilabas Lunes ng gabi, Marso 21, pormal na inendorso ng PDP-Laban Cusi wing si Marcos Jr., na nangunguna sa karamihan ng presidential surveys.

Binanggit din sa resolusyon na si Marcos ay ang kandidato na ang plataporma ay pinakanakaayon sa programang pangkaunlaran ni Duterte.

Dagdag pa rito na ang presidential candidate at ka-tandem ni Mayor Sara Duterte ay nakatanggap ng pinakamaraming pag-endorso mula sa ilang lokal na konseho ng PDP Laban.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kabilang dito ang mga konseho ng partido sa Caloocan City, Malabon City, Mandaluyong City, Pasay City, Paranaque City, San Juan City, Valenzuela City, Ilocos Sur, La Union, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Zambales, Batangas, Laguna, Quezon, Rizal, Oriental Mindoro, Camarines Norte, Masbate, Aklan, Negros Occidental, Leyte, Southern Leyte, Zamboanga del Sur , Davao del Sur, North Cotabato, Malolos City, Ormoc City at San Pedro City.

Giit ng Cusi-faction, si Marcos ang kandidato na ang pananaw sa pamamahala ay pinakanaaayon sa 11-puntong agenda ng PDP-Laban.

“Whereas, to promote “Unity for Sustainability” of socio-economic development and national progress… Resolved, as it is hereby resolved, after careful and exhaustive deliberations the National Executive Committee endorses the candidacy of Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. for President of the Republic of the Philippines in the forthcoming 2022 National Elections,” pahayag ng partido sa inilabas na resolusyon.