Sa isang episode ng "Magandang Buhay" binalikan ni Asia's Songbird Regine Velasquez ang tungkol sa naging relasyon nila ni Ogie Alcasid noong bago sila ikasal. 

Nag-ugat ito nang pag-usapan nila ang tungkol sa third party relationship sa segment "Dear Momshie Serye." Kasama niya rito sina Momshie Melai at Momshie Jolina.

"We were good friends. Hindi ko naman sinasadya kasi pwede namang mangyari rin talaga yun kagaya ng sinabi mo [Jolina] na hindi mo naman pinipili yung mga mamahalin mo parang gusto ko ba sadyain yun? Gusto ko ba na mayroong masaktan 'diba?," saad ni Regine.

Kung kaya lamang niya balikan ang oras noong nagkakilala sila ni Ogie, gugustuhin niyang wala na umanong masaktan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"If I can bring back the time, I love my husband, but if I could bring back the time siguro mas gugustuhin ko wala kaming nasaktan, na walang dalawang bata na nag-suffer because we wanted be together," saad pa ng aktres.

Bago pa ang kanilang relasyon ng beteranong singer at aktor, kasal si Ogie sa una nitong asawa na dating beauty queen na si Michelle Van Eimeren at nagkaroon sila ng dalawang anak-- sina Leila at Sarah. Hindi nag-work out ang kanilang marriage kaya't sumailalim sila sa annulment noong 2007 at kalaunan ay nireveal nila ni Regine ang kanilang relasyon sa publiko. 

Gayunman, inamin ni Regine na hanggang ngayon ay nakararanas pa rin siya ng guilt kahit na sinasabi ng kanyang asawa na wala sa kanya ang problema kung hindi sa pagitan nina Ogie at Michelle.

"But even then, I was there, I was part of it. I was the third party," anang Songbird.

Kahit na napatawad na siya ni Michelle maging ng mga tao, hindi pa rin niya napapatawad ang kanyang sarili, "And for a time na-forgive na ako ni Michelle, na-forgive na ako ng mga tao, except me. I wasn't forgiving myself and I'm still working on it."

"Every now and then, I would remember what happened to us and I would still be guilty. So mahirap din to be in that situation na hindi mo naman sinasadya na magmahal ng tao. I'm a decent person and I don't want to hurt anyone and that's the last thing that I would want in my life... but it happens," paglalahad pa ng aktres. 

Binigyang-diin niya na okay naman siya ngunit minsan ay naaalala niya ang mga nangyari noon.

"But still kapag babae ka, you will forever have that feeling. And again, I'm okay. Don't get me wrong naalala ko lang. I think na I've already forgiven myself na hindi ako masyadong na-gi-guilty but once in a while I would remember," kuwento pa ni Regine.

Ikinasal si Regine at Ogie noong 2010 at mayroon na silang anak na lalaki na si Nate.