Malapit na umanong maging ‘very low risk’ sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang National Capital Region (NCR).

Ito ay batay sa datos ng OCTA Research Group na ibinahagi ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account nitong Lunes.

Ayon sa OCTA, nagpapatuloy ang pagbaba ng mga naitatalang bagong kaso ng sakit sa rehiyon, gayunman, bahagya itong bumagal.

Mula sa dating -23% na growth rate noong Marso 7-13, nasa -4% na lamang ito mula Marso 14-20.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

“NCR rate of decrease has slowed to just -4% as of March 20, 2022,” aniya.

Naiulat din ng OCTA na bahagya ring tumaas ang reproduction number sa rehiyon na mula 0.26 noong Marso 7-13 ay naging 0.38 na ngayon, bagamat ito’y nasa very low risk pa rin naman.

Ang 7-day average new cases naman ay nasa 170 noong Marso 7-13 at bahagyang bumaba sa 163 noong Marso 14-20.

Nasa low risk naman ang one-week average daily attack rate (ADAR) nito na mula 1.20 noong Marso 7-13 ay naging 1.15 na lamang mula Marso 14-20.

Naitala rin ang very low risk sa positivity rate sa rehiyon na mula 2.8% ay naging 2.5% na lamang.