Kaagad daw na nakaramdam ng kilig at nadala sa eksena si Kapuso actor Jeric Gonzales kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, nang magkatrabaho sila sa 'Wish Ko Lang' ng GMA Network.

Ayon sa panayam ng '24 Oras', naramdaman daw niya ang pagtibok ng puso para kay Rabiya nang kunan na ang eksena kung saan kailangan niyang mag-propose sa karakter na ginagampanan nito.

“There was this scene nga na parang kailangan maging sweet namin, parang magpo-propose ako sa kanya so parang di kami makatingin pareho sa isa’t isa. Parang nahihiya na kinikilig,” saad pa ni Jeric.

Matapos nito, nanligaw na siya sa dalaga at makalipas ang ilang buwan ay sinagot na siya nito. Nagustuhan daw ni Jeric kay Rabiya ang kababaang-loob nito, pagiging relihiyosa, at family-oriented.

Tsika at Intriga

Sparkle naglabas na ng pahayag kaugnay kay Julie Anne San Jose

Sa IG post ni Jeric noong Marso 17, makikita ang kanilang mga litrato na talaga namang sweet na sweet. Makikitang nakayakap pa sa beywang ni Jeric si Rabiya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/17/sa-yo-na-korona-rabiya-mateo-miss-universe-sa-puso-ni-jeric-gonzales-kailan-nagsimula/

"To more memories with you ✨❤️ @rabiyamateo I love you," saad sa caption ni Jeric.

Jeric Gonzales at Rabiya Mateo (Larawan mula sa IG)

“Live. LOVE. Laugh. Thank you, Eric. ✨❤️ @jericgonzales07“, saad naman ni Rabiya sa kaniyang IG post.

"Let's be happy together ✨❤️ I love you," tugon naman dito ni Jeric.

Talaga namang nawindang ang kani-kanilang mga tagahanga at kaibigan sa showbiz at napa-sana all na lang!

Sinasabing nag-krus ang mga landas ng dalawa nang maging Kapuso si Rabiya at sumabak sa aktingan sa 'Wish Ko Lang' noong Nobyembre 2021.

Umugong naman ang chika na may something sila noongh Disyembre 2021, matapos silang maispatan sa isang amusement park sa Sta. Rosa, Laguna, at gayundin sa isang beach sa Olongapo City.

Matatandaang naging usap-usapan ang hiwalayan nina Rabiya at ng ex-jowang si Neil Salvacion noong 2021.

Si Jeric naman ay naintriga sa batikang aktres na si Sheryl Cruz.

Parehong umaalagwa ang career ngayon nina Rabiya at Jeric. Si Rabiya ay leading lady ni Senador Bong Revilla sa season 2 ng 'Agimat ng Agila' at si Jeric naman ay kumpirmadong mapapabilang sa stellar cast sa Pinoy adaptation ng 'Start-Up', kasama nina Alden Richards, Yasmien Kurdi, at Bea Alonzo.