Usap-usapan ngayon ang satire video na inilabas ng singer-actor na si Janno Gibbs na may pamagat na 'BTS: President Gibbs Headquarters' na umere noong Marso 17, at nasa #24 trending spot ng YouTube channel.

Kasama niya rito ang batikang aktor na si Leo Martinez na gumanap naman bilang si Senior Advisor Cong. Manik Manaog. Nagsimula ang eksena sa pagpapakita nila kay 'Lenlen' mula sa ginawa umano ng isang 'Daryl'. Nagplano sila ni Manaog kung ano na ba ang susunod nilang mga plano.

"Napuna ko, parang puro sa kalaban yung ginagawa ninyong content, hindi ba puwedeng gumawa naman kayo ng content na tungkol sa akin? Tungkol sa mga accomplishments ko? Achievements!" sabi ni President Gibbs.

Tugon naman ni Manaog, "Bakit? May accomplishment ka ba? Ay, wala naman eh! Ano na ba ang nagawa mo for the past few years, ha?"

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Iginiit naman ni President Gibbs na may mga nagawa at parangal naman daw ang kaniyang tatay, na hindi naman niya pinangalanan kung sino o anong pangalan ng karakter.

"Ay tatay mo iyon! Eh ikaw? Ikaw mismo, may award ka ba?" untag ni Manaog.

Isa pa sa mga pinag-usapang bahagi nito ay ang pagnanais ni President Gibbs na lumahok sa debate ng Comelec. Sabi naman ng senior advisor, huwag na siyang dumalo dahil mahahalatang 'bobo' siya.

Depensa naman ni President Gibbs, hindi naman daw siya bobo at matalino siya. Sa katunayan daw, nag-master's siya sa Ateneo. Pero kontra naman ni Manaog, alam naman daw nilang peke iyon.

Sa dulo nito, makikitang pinagbawalan ng senior advisor si President Gibbs na uminom ng softdrinks, dahil baka magka-diabetes raw ito at mangiwi pa siya. Ngumiwi naman si President Gibbs.

Ipinaliwanag naman ni Janno sa kaniyang Instagram post na hindi siya bayad ng kahit na sinumang partido at ginawa lamang niya ito 'for fun'.

Leo Martinez at Janno Gibbs (Screengrab mula sa YT/Janno Gibbs TV)

"Woke up to this! Thank you so much for all the positive response. I'm overwhelmed ?❤️ Thank you pareng @leogmartinez7 for doing this w/ me ? No,we were not paid by any camp to do this. I wrote and directed the material solely for entertainment purposes;even making fun of myself. I mean no harm," aniya.

"If some of you get something meaningful out of this,then it's a bonus for me. Our political scene is a circus on its own. The material is out there. Just so happens it fits my Pres. Gibbs narrative."

"Thank you also to the haters. You still gave me views ?‍♂️ Again,wala po akong bayad. Meron lang akong b*yag. ?✌️??," aniya.