Ibabalik sa mga magsasaka ang₱71 bilyong coco levy fund kung mananalo sa pagka-pangulo si Manila Mayor Francisco "Isko" Moreno.

“Itong… Quezon, Laguna, at Batangas, isa ito sa biktima ng monopolya ng coconut. Hanggang ngayon ‘yung coco levy fund halos nanilaw na ang papel ng mga coconut farmers sa tagal ng panahon,” sabi ni Moreno sa isang television interview nang mangampanya sa sa Lucena City sa Quezon nitong Lunes, Marso 21.

"At marami sa kanila talagang nakalulungkot man na wala na sa mundo hanggang ngayon hindi pa nila na-e-enjoy‘yung benepisyo nito,” pahayag nito.

Matatandaang nakolekta ang nasabing pondo sa mga magsasaka sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at gagamitin sana ito sa mga programa para mapakinabangan ng ma coconut farmers.

Gayunman, ginamit ito ng gobyerno upang bilhin ang malaking porsyento ngUnited Coconut Planters Bank (UCPB) sa pamamagitan ng crony ni Marcos na si San Miguel Corp. chief Eduardo “Danding” Cojuangco, Jr.

Ipinasa rin angCoconut Farmers Trust Fund Law pitong taon matapos ilabas ng Korte Suprema ang desisyon noong 2012 na nagsasabing pag-aari ng pamahalaan ang nasabing bilyun-bilyong pondong ginamit din sa pagbili ng San Miguel Corporation sa panahon ng panunungkulan ni Marcos.

Tiniyak din nito na maipapatupad nang tama ang Coconut Farmers Trust Fund Law.

"In this case kasi, ‘yung may mga batas na umiiral,I’llmake sure that these laws are being implemented properly at nakikinabang ‘yung mga taong dapat makinabang o benepisyaryo nung mga batas na ‘yun,” paliwanag pa ng alkalde.