Umere na ang unang episode ng 'Baby M' ng VinCentiments, sa direksyon at panulat ni Darryl Yap, ang nasa likod din ng 'Kape Chronicles' at 'The Exorcism of Lenlen Rose' na inilabas na rin ang finale episode nitong Marso 19, 2022.

Baby M (PJ Rosario) at DaughterTe (LJ Ramos (Screengrab mula sa FB/VinCentiments)

Makikita sa simula na tila nagja-jogging sina Baby M at DaughterTe nang sabay with background music.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Oh, akala ko hindi ka tatakbo?" tanong ni Baby M kay DaughterTe.

"Bakit? Ayaw mo?" sagot ni DaughterTe.

Maya-maya, hinawakan ni Baby M ang kamay ni DaughterTe at sabay na silang tumakbo.

Sumunod na eksena ay kumakain sila.

"Uy salamat ah? Hindi naman talaga kasi ako tumatakbo eh. Nagmomotor ako," saad ni DaughterTe.

"Alam mo, dapat sa'yo ako magpasalamat," tugon naman ni Baby M.

"Salamat saan?" tanong ni DaughterTe.

"Di ba sabi mo, tatakbo ka na rin sa Student Council? Sasamahan mo na ako," wika ni Baby M.

"Ah ganoon ba? Hindi rin naman para sa'yo 'yun. Para sa akin din, at para sa campus," sagot naman ni DaughterTe.

Napag-usapan din nila ang tungkol sa kanila-kanilang mga tatay, ang panliligaw ni Baby M kay DaughterTe para maging VP niya sa Student Council, at ang 'North Campus' at 'South Campus'.

Sa bandang dulo, natanong ni DaughterTe kung ano ang meaning ng 'M' sa Baby M.

"Mo… baby mo…baby ng lahat," saad ni Baby M.

May be an image of 2 people, people standing, outdoors and brick wall
Baby M (PJ Rosario) at DaughterTe (LJ Ramos)/Screengrab mula sa FB/VinCentiments

Habang isinusulat ang artikulong ito ay may 124K views na ito, 4.2K shares, at 2.6K comments. Si Baby M ay ginampanan ni PJ Rosario at si DaughterTe naman ay si LJ Ramos.

Samantala, marami naman ang nakapansin ng malaking pagkakahawig nina LJ at si vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte. May mga netizen pa nagpadala ng lumang litrato ni Inday Sara.

Baby M (PJ Rosario, DaughterTe (LJ Ramos), at Davao City Mayor Inday Sara Duterte (Screengrab mula sa FB/VinCentiments)

DaughterTe (LJ Ramos), at Davao City Mayor Inday Sara Duterte (Screengrab mula sa FB/VinCentiments)