Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng kauna-unahang malaking bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Martes, Marso 22.

Sa anunsyo ng Pilipinas Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ng Martes,magtatapyas ito ng P11.45 sa presyo ng kada litro ng kanyang diesel, P8.55 sa presyo ng kerosene at P5.45 naman sa presyo ng gasolina nito.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis tulad ng Seaoil, Caltex, Petro Gazz, Petron, PTT Philippines at Flying V sa kahalintulad na bawas-presyo sa kanilang petrolyo.

Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

44 pang OFW, nakabinbin pa rin sa death row

Noong Disyembre 28, 2021 huling inirollback sa P0.85 ang presyo ng kerosene, P0.65 sa presyo ng diesel at P0.20 naman sa presyo ng gasolina.