Hindisinipot nina vice presidential candidates Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio atBuhay Party-list Rep. Jose “Lito” Atienza ang PiliPinas Debates 2022 na ikinasa ng Commission on Elections (Comelec) nitong Linggo ng gabi.
Katwiran ni Atienza, nagpapagaling pa ito matapos operahan sa tuhod nitong Pebrero.
Hindi naman ipinaliwanag ni Duterte ang "personal reasons" nito sa hindi pagdalo sa naturang presidential debates.
Matatandaang nitong Marso 12, sinabi ni Duterte na mangangamanya na lamang ito at hindi na dadalo sa mga debate at ipinauubaya na lamang sa mga botante ang paghalal ng bise presidente.
Sa inilatag naman na debate ng mga kandidato sa pagka-pangulo nitong Sabado ng gabi, hindi dumalo ang running mate ni Duterte na si Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.
Sa debate nitong Linggo, kabilang lamang sa mga dumalo sina Atty.Carlos “Kuya Charlie” Serapio, Dr. Willie Ong, Sen. Vicente “Tito” Sotto III, Emmanuel “Manny” SD. Lopez, Rizalito David, Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, at Walden Bello.
Layunin ng PiliPinas Debates 2022 na mabigyan ng pagkakataon ang publiko na makilatis ang mga kandidato sa pagsasapubliko ng kanilang plataporma, ayon sa Comelec.