Nais ng mga manggagawa sa Metro Manila at sa lima pang lugar sa bansa na gawing₱750.00 ang arawangsuweldo bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Inihayag ng National Wage and Productivity Commission (NWPC) ng DOLE, umabot na sa 10 na petisyon ang iniharap ng mga manggagawa kamakailan.
Paglilinaw ni NWPC executive director Criselda Sy, karamihan ng petisyon ay iniharap sa ahensya nitong nakaraang linggo.
Kabilang sa mga anim na lugar ang National Capital Region (NCR), Region 3 (Central Luzon), Region 4-A (Calabarzon), Region 6 (Western Visayas), Region 7 (Central Visayas), at Region 8 (Eastern Visayas).
“The petitioners are asking for a₱750 minimum wage per day. There is also a petition for example in NCR asking for₱400...I forgot the figure but it's more than₱400 increase in the minimum wage,” anang opisyal.
Nilinaw din ni Sy na iniutos na ni DOLE Secretary Silvestre Bello sa anim na regional wage board na pag-aralan nang husto ang minimum wage sa kani-kanilang lugar. Inaasahan din ng kalihim na sa susunod na buwan ay maisusumitesa kanyang tanggapan ang resulta ng pag-aaral.
Sa datos ng DOLE, aabot na sa 3.6 milyong manggagawa ang sumasahod ng₱537 kada araw.
PNA