Nagdiriwang ng kaniyang 57th birthday ngayong Marso 20, 2022 ang Filipina businesswoman, pilantropo, at consistent 'People of the Year' awardee na si Alice Eduardo, ang tinaguriang 'Woman of Steel' ng Pilipinas.

Sa kaniyang simpleng Instagram post, ipinahayag ng kapatid niyang socialite-vlogger-TV host na si Small Laude ang kaniyang birthday message para sa kaniyang ateng si Alice, na paminsan ay naitatampok niya sa kaniyang self-titled vlog.

"Happiest birthday Ate! You deserve all the best because you give your best to all the people you love! So blessed to have you as my sister. Love you❤️@alicegeduardo," ayon sa caption ng IG post ni Small, kalakip ang litrato ni Alice.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Screengrab mula sa IG/Alice Eduardo

Isa sa mga nagbigay rin ng pagbati sa comment section nito ang kaibigan ni Small na si ABS-CBN news anchor Karen Davila.

"Happy Birthday dearest Ate @alicegeduardo ??? Forever love you and your family! You are blessed! So much to celebrate! May you always feel God’s continuing grace!!!"

Nagpaabot din ng kanilang pagbati ang mga celebrity na sina Mariel Rodriguez-Padilla, Francine Diaz, at iba pa.

Tinawag na 'Woman of Steel' si Alice dahil siya lamang naman ang Founder, President, at Chief Executive Officer (CEO) ng Sta. Elena Construction and Development Corporation, ang isa sa mga pinakamalaking construction and engineering company sa Pilipinas, na nagtatayo ng mga power plants, ports, harbors, gusali, kalsada, tulay, at marami pang iba.

Sta. Elena ang nasa likod ng pagtatayo ng mga 'biggest and world-class entertainment complexes' sa bansa gaya ng Solaire Resorts and Casino, City of Dreams Manila, Resorts World Bayshore, Okada Manila, at Manila Bay Resort.

Sila rin ang gumawa ng commercial/residential projects para sa Aseana City at SM Prime, SM Bay Arena at Carpark, SM Seaside City Mall, the E-Com Centers, gayundin ang mga condominium projects ng SM gaya ng Sea, Shell, Shore at Grace Residences.

Sta. Elena rin ang nangangasiwa sa pagtatayo ng Total Petroleum Loading Jetty sa Mariveles, Bataan, gayundin sa Pantal Bridge sa Dagupan City, Pangasinan, at sa road expansion at iba pang road works sa North Luzon Expressway (NLEX).

"Ever since we started, our vision was always to showcase our company’s integrity and excellence, which explains our mantra ‘Integrity beyond structures,’"ani Alice Eduardo sa panayam sa kaniya ng Manila Bulletin noong 2018.

"We started small and aspired to become big, and we’ve proven that through our track record in the business. We will definitely continue to help improve the lives of many Filipinos in the coming years through our works and hopefully make the Philippines a leading name in the global construction industry."

"If you are willing to work hard, you can achieve anything,” aniya pa.

Isa sa mga paboritong vlog ni Small ay nang ipag-grocery siya ni Alice sa sikat na SNR Supermarket, gayundin ang koleksyon nito ng mga tablewares at wines sa mala-mansyong bahay nito.