Kinumpirma ni television host Robi Domingo na dadalo siya sa isasagawang campaign rally ng Leni-Kiko tandem sa Pasig City ngayong araw, Marso 20.

Sa kanyang social media post, inamin ni Domingo na sumusuporta siya sa pangangampanya nina Robredo at Senator Francisco "Kiko" Pangilinan.

“Ladies and Gentlemen, Boys and Girls, ALL OVER THEWORDL! I will be supporting the Leni-Kiko campaignthis2022 elections,” sabi ni Domingo.

“Just like the other performers, no payment will be received for the support. See you on March 20, 2022 at Emerald Ave, Pasig City. Game ka?” dagdag pa ni Domingo.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Inaasahan namang dadagsa ang mga taga-suporta nina Robredo at Pangilinan sa nabanggit na campaign sortie.