Tinatayang-aabot sa ₱31.5 milyong halaga ng umano'y mga pekeng sapatos at tsinelas ang nasamsam ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ikinasang pagsalakay sa isang bodega sa Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakailan.
Sa pahayag ng NBI, kabilang sa mga nasamsam ang 20,914 paris ng tsinelas at 42 paris ng sapatos na nagkakahalaga ng ₱31,581,000.
Naiulat ng NBI, isinagawa ang pagsalakay sa isang warehouse sa Gen. Trias Street, Cabanatuan City nitong Marso 10 sa bisa ng search warrant na inilabas ng Manila Regional Trial Court.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8293 (Intellectual Property Code) ang may-ari ng bodega at ng mga pekeng produkto na si Martin Sy.
Jeffrey Damicog