Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang reaksyon at paglilinaw ni Kapamilya singer Moira Dela Torre sa isang balita kung saan isang 'online Marites' umano ang nagsabing bayad ang singer ng ₱5M, kapalit ng pagkanta niya sa people's rally ng Leni-Kiko tandem sa Zamboanga City, kamakailan lamang.

“Hindi po kami bayad. Nag-volunteer lang din po kami,” tugon ni Moira sa alegasyon ng naturang 'online Marites'.

Tumugon din si Moira sa comment section ng balitang nailabas ng Manila Bulletin tungkol dito, at tinawag itong 'clickbait'. Nilinaw niya ulit na hindi siya bayad, gayundin ang iba pang mga celebrities, para ipakita ang pagsuporta sa Leni-Kiko tandem.

“Baka kayo po yung bayad para sa mga headline niyo pong nagcclickbait ng ganyan. di po yan maganda, MANILA BULLETIN,” aniya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dagdag pa niya, "Hehe Kaya niyo naman po gamitin yung platform niyo sa mga mas importanteng bagay na hinde base sa mga ‘online marites.’ God bless po.”

Image
Moira Dela Torre (Larawan mula sa Manila Bulletin Entertainment Online)

Moira Dela Torre (Larawan mula sa Manila Bulletin Entertainment Online)

Pinalagan din ito ng mga showbiz personalities gaya nina Ogie Diaz, Jonathan Manalo, at iba pa.

Ang iba pang mga celebrity na nagtanghal para sa Leni-Kiko tandem ay ang/sina Sharon Cuneta, Rivermaya, Kyla, Kuh Ledesma, Curtismith, Mayonnaise, Gracenote, Tippy Dos Santos, Gab Valenciano, Janina Vela, The Company, Erik Santos, DJ Joey, at Kay Leni Tayo singers na sina Jeli Mateo, Justine Pena, at Nica del Rosario.