Dinumog ng mahigit 90,000 Kakampinks ang Emerald Avenue sa Pasig City nitong Linggo, Marso 20, para sa "Pasig Laban Para Sa Tropa" rally para kay presidential candidate Vice President Leni Robredo, na tinawag pa niyang isang "krusada" para sa mas maayos na pamamahala.

Ito ang pinakamalaking rally ng mga kakampinks sa mga nagdaangsorties ni Robredo mula nang magsimula ang opisyal na panahon ng kampanya noong Peb. 8.

Opisyal nang naungusan ng Pasig ang rekord ang Bacolod, Negros Occidental na dating may pinakamaraming bilang ng mga dumalo sa sortie sa 70,000 (bagaman ito ay binago sa kalaunan sa 86,000) para sa tinatawag ng mga kakampinks bilang "Olympinks," isang friendly competition sa mga lungsod at probinsya kung saan ginaganap ang sortie ni Robredo .

“Napakasigasig namang magmahal ang Pasig. Malayo pa kami, ramdam na ramdam ko nang halos yumayanig ang sahig dahil sa inyong energy,” ani Robredo sa libu-libong Kakampinks.

Aerial shot ng crowd na dumalo sa Leni-Kiko rally sa Ortigas. (VPLR Media Bureau)

Marami sa kanyang mga tagasuporta ang nagsimulang magtipon sa lugay mula umaga palang at agad na pinuo tanghalian ang saradong kalye pagdating ng alas-2 ng hapon. Nagsimula ang mga aktibidad sa pre-program alas-3 ng hapon kasama ang mga host na sina Melai Cantiveros, Julia Barretto, at Robi Domingo.

“Malinaw na malinaw din po: Ang People’s Campaign natin, naging krusada na talaga ito. Dito lang po sa Pasig, talagang full force kayo,” aniya.

Binanggit din niya ang pagsisikap ng mga volunteers sa Emerald Ave., partikular na ang 50-feet na guant tarpaulin nila at ng running mate na si Sen. Kiko Pangilinan na ipinadala mula sa Bacolod matapos itong gamitin sa Negross Occidental leg n kampanya ng tandem.

Ang mga tarpaulin ay nakasabit sa Emerald Building, na may kabuuang tatlong palapag.

Raymund Antonio