Malaki raw ang pasasalamat ni Herlene Nicole 'Hipon Girl' Budol kay TV host-vlogger Toni Gonzaga dahil ibinigay raw nito nang buong-buo sa kaniya ang kinita ng vlog episode ng ToniTalks noong Hulyo 2021, kung saan inilahad ni Herlene ang kaniyang buhay bilang celebrity guest, sa pamamagitan ng panayam.

Ayon sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP kay Herlene, ibinigay raw ni Toni ang lahat-lahat, walang labis at walang kulang. Naging emosyunal kasi ang naging panayam ni Toni kay Herlene lalo't nawalan ng raket si Herlene dahil na rin sa pandemya.

Bukod daw sa pera, binigyan din daw siya ng bible ng pamilya ni Toni at tinuruan daw siyang magbasa nito.

Bukod kay Toni, malaking tulong daw ang paggabay sa kaniya ni Alex Gonzaga para sa kaniyang pagba-vlog, gayundin ang kaniyang talent manager na si Wilbert Tolentino, ang dating national director ng Mr. Gay World Philippines., at manager din ni Daisy 'Madam Inutz' Lopez.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Pinag-usapan din ng mga netizen ang prank ni Alex kay Herlene nang ipag-shopping niya ito ng damit at sapatos. Kunwari ay nagkulang ang dalang pera ni Alex, kaya naiyak na lamang si Herlene dahil wala naman siyang pambayad sa kulang. Kalaunan ay ibinunyag din naman ni Alex na prank lamang ito.

Hanggang ngayon daw ay hindi basta-basta ginagamit ni Herlene ang sapatos na iyon, dahil sa presyo nito. Wala pa raw kasing tamang okasyon para gamitin ito, at gusto niya, si Alex daw ang unang makakita sa kaniya kapag suot na niya ito.

Bukod kay Toni, hindi mawawala sa kaniyang pagtanaw ng utang loob ang nagbigay sa kaniya ng break na si Willie Revillame, sa show nitong 'Wowowin'.