Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang mga gun owner na iwasang magdala ng baril sa labas ng kanilang tirahan sa gitna ng patuloy na pagdami ng mga naaresto dahil sa paglabag sa gun ban.

Nagsimula ang gun ban noong Enero 9 at aalisin noong Hunyo 8. Bahagi ito ng mga hakbang sa seguridad upang matiyak ang mapayapa at maayos na pagsasagawa ng pambansa at lokal na halalan sa Mayo 9.

Batay sa datos ng PNP, may kabuuang 1,931 katao ang naaresto dahil sa paglabag sa ban. Sa bilang, may kabuuang 1,871 sa mga naaresto ay mga sibilyan habang 35 ay mga security guard. Idinagdag nito na nahuli rin ang 16 na pulis at siyam na sundalo.

Ang nangungunang limang rehiyon sa bilang ng mga naarestong lumabag ay ang National Capital Region na may 654, na sinundan ng Central Visayas (212); Gitnang Luzon (126); Calabarzon (203); at Kanlurang Visayas (110).

Ang serye ng mga operasyon ay nagresulta din sa pagkakakumpiska ng 1,49 na baril, 8, 818 piraso ng bala at 703 nakamamatay na armas.

Ang mga lumalabag ay nahaharap sa pagkakulong ng hindi bababa sa isang taon ngunit hindi hihigit sa anim na taon at hindi dapat sumailalim sa probation.

Nahaharap din sila sa disqualification mula sa paghawak ng pampublikong opisina, pag-alis ng karapatan sa pagboto, at pagkansela o permanenteng diskwalipikasyon sa pagkuha ng lisensya ng baril.

Aaron Recuenco