Agaw-pansin ngayon ang giant tarpaulins nina Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo at Vice Presidential candidate Sen. Kiko Pangilinan sa isang gusali sa kahabaan ng Emerald Avenue sa Pasig City para sa grand campaign rally ng tandem ngayong hapon ng Linggo.

Ibinahagi ng Negros Occidental-based volunteer’s group ang istorya ng giant tarpaulins sa isang Facebook post nitong Linggo.

“The giant tarps were a Negros Occidental’s donor's dream and Dave {Jose David Diaz (Concept and Measurements) ,Kian Parcon (Concept and Measurements) , and Casey Taleon (Graphic Artist)}, made it come true for our 86,000 strong Paglaum People’s Rally last week here in Negros,” saad ng Paglaum People’s Rally Negros Occ sa isang Facebook post.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ibinyahe pa umano sa pamamagitan ng roro o barko ang naturang tarps mula Bacolod City hanggang Pasig kung saan anim katao ang nagtulong-tulong para maikabit ito Sabado ng gabi, Marso 20.

Samantala, tila hindi lang ito ang huling destinasyon ng giant tarps, ayon na rin sa grupo.

“Find out the traveling tarps' destination soon. Meantime, enjoy the view,” saad ng grupo.

Ilang oras bago ang campaign rally ng tandem sa Pasig, daan-daang Kakampinks na ang nasa Emerald Avenue simula umaga ng Linggo.

Larawan ni Mark Escueta via Facebook

https://twitter.com/sefgozon/status/1505375619500343297

https://twitter.com/CHIXKITEM/status/1505412036263841792

https://twitter.com/Runner4Leni/status/1505368663838232576

Kasalukuyang trending topic na ang 'Emerald Ave' sa Twitter.