“This cannot be allowed to go on.”

Ito ang babala ni Senator Leila De Lima sa mga indibidwal sa likod ng pagkalat ng fake news na patay na siya. Aniya, tinitingnan na niya ang maaaring mga legal na aksyon laban sa kanila.

“I am instructing my legal team to file the necessary legal action against those responsible for this fake news,” ani De Lima sa kanyang kampo nitong Marso 18.

“I am as healthy as I need to be and as long as I have to in order to bring all those responsible for my persecution before the bars of justice,” dagdag niya.

Sinita ng nakakulong na Senador ang isang channel sa YouTube, na inakusahan niyang pinagmulan ng pekeng balita, at ikinadismaya ang patuloy na pagkakaroon nito ng mga view sa kabila ng "hayagang kasinungalingan at pekeng balita na inilalako nito sa lahat ng mga nai-post nitong video."

Nagpahayag pa ng pagdadalamhati si De Lima sa pag-atake sa kanya ng kanyang detractors bilang karagdagan sa kanyang "handicapped" na kampanya.

“It is not enough that I have already been unjustly imprisoned for more than five years. It is not enough that I am running for re-election with the handicap of campaigning from jail, without being able to go out to talk directly to voters about my program of government and convince them why I deserve a renewed mandate,” aniya.

Kinuwestiyon pa niya ang pagpigil sa kanya na magsagawa ng live video at audio na panayam sa media, o lumahok sa mga debate ng mga kandidato sa pagka-senador, “as if the mere sight of my face and sound of my voice will cause some instability or be a threat to national security.”

“All of these are not enough, for them to still go on spreading lies to derail my campaign, handicapped as it already is. What these people are doing is already beyond condemnation,” sabi ni De Lima.

“It is an abomination of all sense of decency, fairness, and morality. It is they who deserve to be in jail, not me,” dagdag ng senadora.

Isang tagapagtanggol ng karapatang pantao at kilalang bilanggong pulitikal sa ilalim ng administrasyong Duterte, minarkahan ni De Lima ang kanyang ikalimang taon sa hindi makatarungang pagkabilanggo noong Pebrero 24. Patuloy at matatag niyang iginiit ang kanyang pagiging inosente sa mga gawa-gawang kaso na inihain laban sa kanya.

Dahil sa kakulangan ng ebidensya, naabsuwelto si De Lima sa isa sa tatlong kasong ito noong Pebrero 17, 2021, habang nakabinbin pa ang dalawa pang kaso.

Si De Lima, isang dating Justice secretary, ay tumatakbo para sa muling halalan sa ilalim ng senatorial slate ni Vice President Leni Robredo.

Betheena Unite