Susuriin ng Commission on Elections (Comelec) ang patakaran sa withdrawal at substitution ng mga kandidato pagkatapos ng May 2022 polls.

“After this elections, what we really need to review is the issue of nuisance candidates, substitution, and withdrawal,” ani Comelec Commissioner George Garcia sa isang press briefing noong Marso 17.

“Many say it is being abused and, thus, prohibited. It would be better if we look into if this is it is really being abused,” dagdag pa nito.

Ngunit sinabi ni Garcia na maaari lamang silang mag-ambag sa batas na gagawin. 

Saad pa niya, ”Whatever Congress passes into law, we will just implement.”

Nasa 19 ang kabuuang bilang ng mga kandidato sa national post ang nag-withdraw ng kanilang kandidatura, habang 10 naman ang naghain ng kanilang mga bid bilang substitute bets.

Leslie Ann Aquino