Tiniyak ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna sa lahat ng mga Manilenyo na ang lahat ng benepisyong tinatamasa sa ilalim ng social amelioration program (SAP) ng pamahalaang lungsod ay magpapatuloy at maaring domoble pa kung siya ang magiging susunod na alkalde ng lungsod at si Third District Congressman Yul Servo naman ang magiging bise alkalde niya.

Sa isang regular meeting nitong Sabado, kung saan sinamahan siya nina Servo, Ernix Dionisio na kandidato sa pagka-Congressman at mga kandidato sa pagka-Konsehal na sina Nino dela Cruz, Marjun Isidro, Bobby Lim, Irma Alfonso, Ian Nieva at Jesus Fajardo, ginarantiyahan ni Lacuna na ang lahat ng mga nasabing benepisyo ay tataas at dadami pa kapag si Mayor Isko Moreno ang nanalong Presidente sa darating na halalan sa Mayo.

Maliban sa Maynila na lubhang malapit sa puso ni Moreno at kung saan din matatagpuan ang Malacanang, sinabi ni Lacuna na kung ang alkalde na ang magpapatakbo ng bansa, siya at ang buong lungsod ay siguradong magkakaroon ng direktang komunikasyon kung sakaling mangailangan ng dagdag na tulong ang mga residente nito.

Sa kasalukuyan, P500 buwanang cash allowance ang ipinamimigay ng local government ng Maynila sa mga senior citizens, solo parents at persons with disabilities habang ang mga estudyante naman ng Universidad de Manila, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Grade 12ay tumatanggap ng P1,000 bawat isa.

Maliban pa sa ayudang cash, ang mga senior citizens ay tumatanggap din ng Ensure, black rice, vitamins at birthday cakes.

Ang may 700,000 pamilya sa Maynila naman ay tumatanggap din ng food boxes sa ilalim ng food security program (FSP) sa loob ng anim na sunod na buwan at sa nakalipas na dalawang buwan. Ang bawat kahon ay naglalaman ng limang kilong bigas, 16 na de lata at kape.

“Sa Maynila lang meron niyan,” pahayag ni Lacuna ng may pagmamalaki.

Nakiusap rin siya sa mga residente na kontakin ang kanilang mga kamag-anak, kaibigan at mga mahal sa buhay at ipaalam sa mga ito na kung ano ang nangyayari sa Maynila ay magagawa ring mangyari sa buong bansa.

Tiniyak din niya sa lahat ng mga residente nglungsod na ang kasalukuyang benepisyo na kanilamg tinatamasa ay magpapatuloy at higit pang dadami at mangyayari sa buong bansa kapag nanalong Presidente si Moreno.

“Yung mga inakala nating imposible, nangyari sa loob lamang ng dalawa’t kalahating taon. Paano pa pag anim na taong uupo sa Malakanyang si Yorme?” giit ni Lacuna.

Binanggit din ni Lacuna ang mabilis na aksyon sa liderato ni Moreno partikular sa pagpapatayo at pagbibigay ng mass housing sa residente ng lungsod, mas maganda at modernong mga ospital at pagtatayo ng mga bagong paaralan, pagbabalik ng kaayusan sa mga kalye at daan at higit sa lahat ay ang naging pagtugon nito sapandemya na kinabibilangan ng FSP, SAP, pagtatayo mga quarantine facilities at ng Manila COVID-19 Field Hospital, pagbibigay ng libreng swab tests atmamahalinglife-saving anti-COVID drugs at pati na rin ang pagbibigay nggadgets at data sa mga estudyante at teaching personnel, lahat ito ay sa kasagsagan ng pandemya.

Sa lahat ng mga ito, ay paulit-ulit naman ang pasasalamat ni Moreno kayLacuna dahil sa patuloy nitong pagkakaloob ng suporta sa abot ng kanyang kakayahan hindi lang bilang vice mayor kundi bilang pinuno ng head city’s health cluster at Presiding Officer ngManila City Councilna palagian ng nagbibigay daan para sa mga kailangang ordinansa para sa mga proyektong kailangang isagawa sa lungsod.