Napatanong na lamang ang Kapamilya actor na si Aljon Mendoza sa kaniyang tweet noong Marso 16, tungkol sa mga taong kapag sinabihan ng totoo ay hindi nila matanggap sa sarili nila, at ipinagpapalagay na lamang na paninira o laban iyon sa kanila.

Ayon sa kaniyang tweet, "Bakit kaya sa panahon ngayon, pag nagsabi ka ng katotohanan na hindi nila matanggap, paninira na yon para sa kanila?"

Screengrab mula sa Twitter/Aljon Mendoza

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Bagama't hindi naman tinukoy kung sino o para kanino ang naturang tweet, umani naman ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen.

"Truth is the new fake news daw.. what's happening?! ?"

"When some people are hurt by criticism of their idols, or if their beliefs have been confronted by facts, instead of researching facts they go back listening to the same fake news peddlers to reconfirm their beliefs. We take down the fake news in socmed we could improve people."

"Eto na yung panahon na hinihintay ng mga demonyo na nagtrabaho ng maraming panahon para ipakita na lahat nangyayari eh 'normal' lang. But God is NOT abandoning us hence He's revealing everything now. We need to wake up others too. Be persistent in telling the truth."

"Masyado na silang babad sa socmeds, na yung akala nilang "facts" ay criticism na nila 'yon for them. may tendencies din na alam nila yung katotohanan pero ayaw lang talagang tanggapin na mali sila. ayaw nilang ine-educate sila kasi natatamaan ego nila."

"Kasi gusto nila manahimik lang tayo kahit may katiwalian sila at puro kasinungalingan pinagsasabi nila.Gusto nila sila ang pinapaboran."

"Because the truth hurts."

Si Aljon ay naging housemate sa reality show na 'Pinoy Big Brother: Otso' at tinagurian siyang 'Ang Shy Charmer ng Pampanga', batchmate nina Seth Fedelin, Karina Bautista, Lie Reposposa at Kaori Oinuma. Pinasok na rin niya ang mundo ng showbiz pagkatapos ng kaniyang PBB stint.

Naparangalan siya bilang 'Best New Male TV Personality' para sa drama anthology na 'Maalaala Mo Kaya (MMK): Medal of Valor, sa 33rd PMPC Star Awards for Television noong 2019.

Sa ngayon ay napapanood siya sa teleseryeng 'Viral Scandal' sa lahat ng plataporma ng ABS-CBN.