Nanindigan ang mayoral candidate na si Atty. Alex Lopez na maling prayoridad ang rehabilitasyon ng Manila Zoo.

“Ang zoo naman po, obviously, P1.7 billion at the time of Covid, I think it is very clear that it is a wrong priority,” ani Lopez sa Manila Bulletin Hot Seat forum.

Atty. Alex Lopez (MANNY LLANES/ MANILA BULLETIN)

Sinabi ni Lopez na ang budget na ginamit para sa rehabilitasyon ay halos katumbas ng budget para sa tatlong maliliit na probinsya.

“That’s a budget for three small provinces para tirahan ng hayop po. There is so much need, so much housing to be built, pagkain sa hapag kainan, walang trabaho… Kailangan po natin ang gamot – simple medicines," pagbibigay-diin niya.

Bagama't pinuri niya ang kasalukuyang administrasyon sa paglikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga Manileño, gayunman, nanindigan siya na hindi pa rin napapanahon ang rehabilitasyon.

“‘Yung zoo po hindi napapanahon ngayon and P.1.7 billion is a huge amount of money. Ang sinasabi ko nga siguro you can visit the zoo and see whether that’s a P1.7 billion project. Tao na po ang humusga, kayo na ang pumunta," ani Lopez.

"Hindi po napapanahon, may Covid po tayo, may pandemya," dagdag pa niya.

Jaleen Ramos