Nakapagtala pa ang Pilipinas ng karagdagang 577 na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) nitong Linggo, Marso 20, ayon sa Department of Health (DOH).

Dahil dito, umabot na sa 3,674,286 ang kabuuang kaso ng sakit sa bansa, ayon sa datos ng DOH.

Sinabi ng DOH na bumaba ang aktibong kaso ng sakit sa bansa sa 45, 201.

Nitong Linggo, naitala rin ng DOH ang kabuuang 3,570,822 na nakarekober sa Covid-19 habang umabot naman sa 58,263 ang kabuuang namatay sa sakit.

Binanggit ng DOH na ginagamit pa rin ng mga Covid-19 patients sa buong bansa ang 24.64 porsyento ng kabuuang 3,701 intensive care unit (ICU) beds.

Nasa 22.04 porsyento naman ng 20,773 na isolation beds sa bansa ang ginamit na at okupado naman ang 13.66 porsyento ng kabuuang 14,037 ward beds ng bansa.

Paglilinaw pa ng ahensya, naitala ang karamihang kaso sa Metro Manila (2,135), Region 4A (969) at Region 6 (731).