Iginiit ng apat na kandidato sa pagka-pangulo na dapat habulin ng gobyerno ang₱203 bilyong estate tax ng pamilya ng karibal nila sa eleksyon na si Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Mismong si Manila Mayor at presidential aspirant Francisco Moreno "Isko Moreno" Domagoso ang nagpasimula ng usapin nang dumalo ito sa ikinasang presidential debate na binuo ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado ng gabi.

Idinahilan ni Domagoso na hindi na hahabulin niya ang nasabing buwan kapag nahalal siya bilang Pangulo, at gagamitin niya ito bilang ayuda para sa mga sektor na labis na naapektuhan ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo.

"Kung aatras ko ang buwis sa krudo at kuryente, we are going to lose₱65 billion...₱203 billion minus₱65 billion, mayroon pa akong daang-daang bilyon na maaari nating maibigay sa tao.It's a matter of fiscal management lamang at certainty of law," banggit nito.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Sinuportahannaman ni presidential candidate Panfilo Lacson si Moreno kaugnay ng usapin at kapag nakolekta ang tax liabilities ng nasabing pamilya ay lalaki ang koleksyon sa buwis ng pamahalaan sa ilalim ngdalawang packages ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

"Alam niyo ‘yung pinasa naming mga tax packages, ang dami noon eh. Ang na-attain lamang ₱101 billion," ani Lacson.

"Eh mayroong ₱203 billion nga na sisingilin lamang nandiyan na, bakit ayaw singilin ng BIR?' pagtatanong ni Lacson.

Sabi naman ni Vice President Leni Robredo, maaaring magamit ang nasabing pagkakautang sa buwis para sa mga indigent sectors.

"Kapag nasingil natin ito, hindi na natin kailangan tipirin ang ating mga kababayan," pahayag ni Robredo.

"Kailangang kunin ‘yung₱203 billion na ‘yun," sabi naman ni presidential aspirant at labor leader Leody De Guzman.

Tanging si Marcos lamang ang hindi nakadalo sa nasabing presidential debate.