Asahan ang napipintong pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng malakihang bawas-presyo sa produktong petrolyo sa Marso 22.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, matatapyasan ng ₱11.00 hanggang ₱11.70 ang presyo ng kada litro ng diesel, ₱8.70 hanggang ₱8.80 naman ang ibabawas sa presyo ng kerosene at ₱6.00 hanggang ₱6.20 naman ang tatapyasin sa presyo ng gasolina.
Paliwanag ng mga oil companies sa bansa, bunsod lamang ito ng paggalaw ng presyo ng produkto sa pandaigdigang merkado.
Ito ang unang pagkakataong ipatutupad ang bawas-presyo sa produktong petrolyo ngayong 2022.
Noong Disyembre 28, 2022 ay huling ini-rollback sa ₱0.85 ang presyo ng kerosene, ₱0.65 sa presyo ng diesel at ₱0.20 sa presyo ng gasolina.