Naglabas ng panibagong opisyal na pahayag ang talent management ni Kapamilya actor na si Kit Thompson hinggil sa isyung kinasasangkutan ngayon ng aktor.
Makikita sa opisyal na Facebook page ng 'Cornerstone Entertainment Inc.' ang opisyal na pahayag, na inupload noong Marso 19, 2022, Biyernes.
"The Cornerstone Management does not condone any act of violence and profoundly value the dignity of women," panimulang pangungusap ng pahayag.
"We take this opportunity to clarify that our earlier statement was issued with no knowledge of any specific details as we were in receipt only of general allegations. Neither were we privy to any photos of the incident."
"In this delicate situation, we subscribe to the sound discretion of law enforcement and allow the wheels of justice to take its course."
Nagulantang ang showbiz world kahapon, Marso 19, nang sumabog ang balitang nagpa-rescue ang nobya ni Kit na si Ana Jalandoni dahil sa pisikal na pananakit sa kaniya ng nobyo, habang sila ay naka-check in sa isang hotel sa Tagaytay.
Kung bibisitahin ang Instagram account ni Ana, makikitang tila noong Miyerkules pa magkasama ang dalawa sa Tagaytay. Sa pinakahuling post kasi nito, mababasa ang komento ng aktor sa larawan ni Ana.
“See you later,” saad ni Kit sa comment section, na pinutakti naman ng mga netizen.
Agad na inilantad ni Ana ang sinapit na mga pasa sa mukha kasunod ng insidente ng umano'y pananakit, at pagkulong sa kanya ng boyfriend.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/18/ana-jalandoni-sa-umanoy-pagmamalupit-ni-kit-if-you-love-someone-you-will-never-harm-them/">https://balita.net.ph/2022/03/18/ana-jalandoni-sa-umanoy-pagmamalupit-ni-kit-if-you-love-someone-you-will-never-harm-them/
Inihahanda na ang Philippine National Police (PNP) ang mga ebidensya para sa posibleng pagsasampa ng kaso laban sa aktor, na may nabinbing serye katambal si 'Herlene 'Hipon Girl' Budol, na naiprodus ng isang supermarket.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/19/ebidensya-vs-actor-kit-thompson-inihahanda-na-pnp/