Naniniwala ang aspiring congressman na si Ormoc Mayor Richard Gomez sa kasikatan ng presidential candidate na si Bongbong Marcos sa kanyang lungsod.

“Pinupulsuhan ko iyong mga barangay na pinupuntahan namin and sinasabi ko presidential elections ngayon, gusto ko malaman kung sino ba ang gusto niyo maging presidente,” ani Mayor Gomez sa isang panayam kamakailan sa One PH.

“Talagang overwhelming ‘yung BBM. Kapag sinabi ko itaas ang kanilang kamay kapag binanggit ko name ng mga kandidato, pero kapag sinabi mo iyong pangalang ‘BBM’ pati paa talagang itinataas eh, sabi ng movie actor-turned-politician.

Si “Goma” ay tumatakbo sa pagka-kongresista para sa ika-4 na distrito ng Leyte kapalit ng kanyang asawang si Lucy Torres-Gomez, na ngayon ay tumatakbo bilang alkalde ng lungsod.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nauna nang nagpahayag ng suporta ang mag-asawang Gomez sa kandidatura ni Marcos.

"I like BBM … Kaya nga nung one time I was interviewed kasi napansin ko andami na kapag hindi ka ‘dun aligned sa isang pulitiko, nagkakasiraan. Parang sa ating mga Pilipino napakapangit na nagsisiraan tayo o nagkakagulo tayo dahil sa mga pinipili natin na magiging president,” ani Goma.

Umapela din siya sa publiko na igalang ang pagpili ng bawat isa sa mga kandidato sa botohan sa halip na makisali sa mudslinging at bullying.

“Sinasabi ko kung mayroon kang napupusuan na isang presidente hindi mo kailangan manira ng ibang tao. Ikampanya mo ng mabuti ‘yung kanidatong gusto mo kasi kami ganun din.”

“In my case, I like BBM, kinakampanya ko siya talaga rito dito sa 4th district at sa buong Leyte,” saad ng alkalde.

Ellson Quismorio