Natukoy na ng mga awtoridad ang may-ari at kapitan ng bangkang ginamit sa pagpupuslit ng tinatayang aabot sa₱12 bilyong illegal drugs sa Infanta, Quezon kamakailan.

Ipinahayag ng National Bureau of Investigation (NBI)-Task Force Against Illegal Drugs sa isang panayam sa telebisyon, binanggit sa kanila ng kapitan ng bangka na hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan, na pinakiusapan siya ng isa sa 10 suspek na si Jamelanie Samsonona pupunta sila malapit sa Polillo Island sa Quezon nitong Martes ng gabi upang humakot ng kargamento.

Paliwanag ng kapitan, ipinangako umano sa kanya ni Samsonona ipapangalan sa kanya ang isang bagong biling bangka upang magamit nito sa pangingsida.

Sa mahigit sa 10 oras nilang naglayag ay patay umano ang kanilang ilaw sa utos niSamsono.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Hinintaydin umano nila ang isangyate kung saan hinakot ang kargamento at isinakay sa kanilang bangka at doon umano siya nagulat nang matuklasang ito ay tone-toneladang iligal na droga.

Lumantad na rin sa NBI ang tunay na may-ari ng bangka na nagsabing ibinenta niya ito sa mga suspek noong nakaraang Pebrero at lingid sa kanyang kaalaman na gagamitin ito sa iligal na gawain.

Pinag-aaralan na ngayon ng NBI na gawing testigo ang dalawa laban kay Samsonoat sa siyam pa niyang kasamahan na sinaReynante Alpuerto, Jenard Samson, Mark Bryan Abonita, Dante Manoso, Kennedy Abonita, Marvin Gallardo, Eugene Pandoma, Alvin Evardo at Jaymante Gallaro.

Nasabat ng mga tauhan ng Quezon Provincial Police, Infanta Municipal Police at NBI ang nasabing iligalna droga habang sakay ng tatlong van sa ikinasang checkpoint sa Brgy. Comon, Infanta nitong Marso 15 ng madaling araw.

Sa pagkakasamsamng nasabing bilyun-bilyong halaga ng illegal drugs, nagpahayag ng pangamba kamakailan ang mga awtoridad sa Infanta dahil posiblengtagurian bilang "crime capital" ng Southern Luzon ang lugar.

Idinahilan pa ng pulisya ang sunud-sunod na krimen, katulad ng mga insidente ng pananambang sa naturang bayan kung saan ang pinakahuling biktima ay si Infanta, Quezon Mayor Filipina Grace America.

Matatandaang inihayag ng kampo ng alkalde na posibleng may kinalaman sa pulitika ang insidente na naganap sa Poblacion 1, Infanta noong Pebrero 27 ng umaga.

Nauna nang tiniyak ni PNP chief Dionardo Carlos na iimbestigahan nila ang lahat ng anggulo sa pananambang, kabilang na ang usapin sa quarrying operations sa lugar.