Pinasalamatan ni senatorial aspirant Samira Gutoc si Mocha Uson dahil sa pagtindig umano nito para sa mga kababaihan. Gayunman, binabalikan ngayon sa social media ang sinabi niya kay Uson noong 2020.

Sa naganap na campaign sortie ng Isko-Doc Willie Tandem noong Biyernes, Marso 18 sa Kawit, Cavite, pinasalamatan ni Gutoc ang dating government official.

"Nilalagay sa tama kaya po itindig ang mga kabataan, proteksyunan ang mga ina. Salamat Mocha, salamat Mocha sa iyong pagtindig sa mga kababaihan," ani Gutoc.

screenshot mula sa Facebook live ni Isko Moreno Domagoso

Dahil dito, binalikan ng ilang mga netizens ang Twitter post ni Gutoc tungkol kay Uson noong 2020.

Sa kanyang tweet, ibinahagi niya ang screenshot ng sinabi ni Mocha noong Hunyo 4, 2022 na "galit na galit na mga terorista nagtipon tipon na sila."

"Nangunguna talaga si Mars @MochaUson sa pagtawag ng terorista sa mga estudyante ng UP at mga miyembro ng iba’t ibang mga grupo na nagprotesta laban sa bill na ito. Ito ang dapat nating bantayan, ang di makatarungang pambibintang. #JUNKTERROBILLNOW #LabanLang," ani Gutoc noong Enero 8, 2020.

Marami ang bumatikos kay Gutoc sa Twitter dahil sa kanyang pasasalamat kay Mocha.

As of writing wala pang pahayag ang senatorial aspirant tungkol sa isyung ito.

Samantala, nag-switch to Isko na si Mocha Uson.

“Alam niyo po kaya po ako nandito ngayon ay dahil nag-switch to Isko na rin po ako,” saad ni Uson.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/18/mocha-uson-nag-switch-to-isko-na-rin-po-ako-dahil-nakita-ko-po-kay-mayor-isko-ang-batang-pangulong-duterte/