Umaasa ang independent monitoring group na OCTA Research na pagsapit ng buwan ng Abril ay makakapagtala na lamang ang bansa ng mas mababa pa sa 500 arawang mga bagong kaso ng Covid-19.

Ito'y kung walang bagong variant of concern ng Covid-19 na makakapasok sa Pilipinas.

“That's what we hope to achieve by April. We hope by the Holy Week our daily cases would actually go down to 500,” ayon kay Dr. Butch Ong, OCTA Research Team, sa isang Laging Handa briefing nitong Sabado.

Samantala, iniulat rin ni Ong na bahagyang tumaas ang Covid-19 reproduction number ng bansa na umabot sa 0.26.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang reproduction number ay yaong bilang ng mga taong maaaring maihawa ng sakit ng isang Covid-19 patient.

Paglilinaw naman ni Ong, “That's still quite good. We hope that when April enters, the country's daily cases will be steady at below 500 level.”

“That is assuming that no new variant of concern will enter the country,” aniya pa.