Tututukan ni Presidential candidate Senador Ping Lacson ang micro, small, and medium-sized enterprises (MSMEs) dahil 99.5 na porsiyento ng Philippine enterprises ay nagmula sa sektor. 

Ito ang sagot ni Lacson sa tanong na kung ano ang una niyang dadaluhan sakaling manalo siya sa May 2022 Palace race.

Isa si Lacson sa siyam na presidential candidates na dumalo sa Commission on Elections (Comelec)-sponsored presidential debate nitong Sabado ng gabi, Marso 19.

Aniya, ang kasalukuyang pambansang budget ay mayroong P2 bilyon sa maliit na banking corporation sa ilalim ng Department of Trade and Industry (dti) at P2 bilyon pa sa agricultural guarantee pool.

Ang mga pinagmumulan ng pondo, gayunpaman, ay hindi binigyan ng pansin dahil walang access sa MSMEs, aniya.

‘’Kailangan ng comprehensive fiscal stimulus para sating MSMEs," dagdag pa niya.

Mario Casayuran