CEBU CITY — Umapela si Health Sec. Francisco Duque III sa local government units (LGUs) na tulungan ang pambansang pamahalaan na makamit ang target na mabakunahan ang 90 milyong Pilipino bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pagdalo sa “Bida Tungo sa New Normal Roadshow” sa Cebu noong Biyernes, Marso 18, sinabi ni Duque na malaki ang papel ng mga LGU sa hangarin ng bansa na mabakunahan ang karamihan ng mga Pilipino.

Umapela din si Duque sa mga senior citizen na huwag mag-atubiling uminom ng bakuna laban sa Covid-19.

“It is a big challenge for most LGUs to vaccinate those under A2 priority group or the senior citizens,” ani Duque.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kung maaari, pinayuhan ni Duque ang LGUs na magsagawa ng house-to-house vaccination para sa mga senior citizen.

Sa kabilang banda, pinayuhan ni National Task Force (NTF) for Covid-19 deputy chief implementer Vince Dizon ang publiko na manatiling mapagbantay sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

Sinabi ni Dizon na nananatili ang banta ng Covid-19 kahit na ang karamihan sa mga lugar sa bansa ay nailagay na sa ilalim ng mas maluwag na Alert Level 1.

Pinaalalahanan din ni Dizon ang publiko na ang Omicron variant ay nagdudulot lamang ng mild symptoms para sa mga nabakunahan.

Kahit nabakunahan, sinabi ni Dizon na kailangan pa ring mahigpit na sundin ang mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, palagiang paghuhugas ng kamay at tamang physical distancing.

“Let’s not let our guard down. Covid-19 is still around. Let’s all work together as what we have done these past few years,” ani Dizon.

Calvin Cordova